Pangalawang Ulan
brando bal
Popularity · Low
Listen
YouTube
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Minsa'y nagtataka, aking nakikita
Ang iyong mukha nang di sinasadya
Dati'y tanda ko pa, kinakamusta ka
Bakit bigla na lang nagbago at ikaw ay nawala
Kung nasabi lang noon, sana ngayo'y alam mo ang totoo
Ngunit 'di ko na mababalik ang pagkakataong nasayang ko
Tila nawalang panaginip
Ayoko nang imulat ang mga mata
Ala-alang pilit iniisip
Sana'y nandyan ka pa
Hangin na hindi na pumipihit
Ikaw ang ulan na ayaw mawala
Hihiling nalang sa langit na ikaw ay tumila na
Tono ng 'yong patak, ang dating musika sa utak
Ngayo'y nasisindak sa dala-dalang halimuyak
Tawanan sa bawat minuto ng araw
Pagmulat, pagpikit, ang puso ay magkadikit
Ika'y kasama, umulan man o umaraw
Bakit bigla na lang ikaw ay bumitaw
Kung nasabi lang noon, sana ngayo'y alam mo ang totoo
Ngunit 'di ko na mababalik ang pagkakataong nasayang ko
Tila nawalang panaginip
Ayoko nang imulat ang mga mata
Ala-alang pilit iniisip
Sana'y nandyan ka pa
Hangin na hindi na pumipihit
Ikaw ang ulan na ayaw mawala
Hihiling nalang sa langit na ikaw ay tumila na
Kung nasabi lang noon, sana ngayo'y alam mo ang totoo
Ngunit di ko na mababalik, kaya ngayon ako'y binabagyo
'Di ba nga tayo ang ating hangganan?
Nalunod na sa kawalan nang ika'y lumisan
Sana naman ako'y pagbigyan
Tanging ikaw ang ulan na gustong maramdaman
At ang iyong ngiti ay masilayan
Tila nawalang panaginip
Ayoko nang imulat ang mga mata
Ala-alang pilit iniisip
Sana'y nandyan ka pa
Hangin na hindi na pumipihit
Ikaw ang ulan na ayaw mawala
Hihiling nalang sa langit na ikaw ay tumila na