Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Kalesa
Sylvia La Torre
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Alin nga bang sasakyan pa?
Ang tunay na maginhawa
Kung 'di itong dating atin
Na kung tawagin ay kalesa
Subukin mang sakyan ito
Kapag hindi ka nag-enjoy
Kahit pabalik-balik lang
Sa Quiapo at sa Chinatown
Kadalasan pang mangyari
Ay kay buti ng kutsero
At tunay kang mawiwili
Kung masarap makipagkwento
Sa haba ng kwentuhan niyo
Ay hindi ka malulungkot
Kahit mahina ang takbo
Ay hindi nakayayamot
Kung sasakay ay magdarling
Kalesa ang pipiliin
Kung may ulan at may hangin
Ay may trapal na pantabing
Pagkat dito ay kay dilim
Hindi sila mapapansin
Ang kalesang sadiyang atin
Ay bagay sa magsinggiliw
O kay inam sakyan ng kalesa
Kahit patungo sa Luneta
Kahit ka na nag-iisa
Tunay ring masisiyahin ka
At kung pagmamasdan ang kalesa
May kahapong maaalala
Ang panahon ng ating naglahong
Maria Clara
Kung sasakay ay magdarling
Kalesa ang pipiliin
Kung may ulan at may hangin
Ay may trapal na pantabing
Pagkat dito ay kay dilim
Hindi sila mapapansin
Ang kalesang sadiyang atin
Ay bagay sa magsinggiliw
At kung pagmamasdan ang kalesa
May kahapong maaalala
Ang panahon ng ating naglahong
Maria Clara