Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Tuloy Ang Ikot Ng Mundo
APO Hiking Society
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Napapansin mo ba na umiiba na
Ang takbo ng buhay natin ngayon?
Naging panibago na ang patakaran
Ang dating bawal ay pinagbibigyan
At lalala pa, pare ko
Lalala pa, pare ko
Sapagkat tuloy ang ikot ng mundo
Ang dating dalagang si Maria Clara
Sumasayaw ngayon d'yan sa may Ermita
Ngunit iba sa kanila'y mulat na'ng mata
Ayaw na nilang magpasamantala
Nag-iiba na, pare ko
Umiiba na, pare ko
Sapagkat tuloy ang ikot ng mundo
Ang hari ngayon, bukas magsisilbi
Ang dating nangunguna, ngayo'y mahuhuli
Ang araw, sumisikat at lumulubog din
Ang buhay ng api, s'ya ay giginhawa rin
Iilan lang dati ang mayro'ng paki
Sa mga bagay-bagay, munti at malaki
Ang dating mga taong tahimik sa tabi
Ngayo'y galit sila at gustong maghiganti
At lalala pa, pare ko
Lalala pa, pare ko
Sapagkat tuloy ang ikot ng mundo
Hindi na mapipigil ang pagbabago
Darating ito sa ayaw mo't sa gusto
Ano man ang sagot mo, kung itatanong ko
Ikaw ba'y makaluma o makabago?
Ganyan talaga, pare ko
Ganyan talaga, pare ko
Sapagkat tuloy ang ikot, tuloy ang ikot
Tuloy ang ikot ng mundo