Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Coma
Ensou feat. gumi
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Sa bawat araw na lumilipas
Ang mga litratong kumupas
Sa aking isipan ay
Bumabalot sa puso kong ito
Dahan-dahan nang umuulit
Ang bawat sakit at mapapait
Na mga alaalang
Ika'y aking nasaktan
Gumuguho na ang mundo ko
Naglalakad sa sarili kong abo
Ngayon nandito ako sumisigaw, naliligaw
Sa mundong naiiba, sa mundong natatanaw
Ngayon nandito ako umiiyak, naghihintay sa
Iyong ngiti dito sa'king panaginip
Sa bawat yugto na aking likha
Ay mga malungkot na tadhana
Pinipilit gumising
Umaasang mamulat ang mata
Dahan-dahan kong ginuguhit
Ang bawat tamis at malalambing
Na mga alaalang
Ika'y sakin' naghihintay
Gumuguho na ang puso ko
Namulat na ang mga matang ito
Ngayon nandito ako dahan-dahang natatanaw
Ang mundong aking gawa mula sa aking luha
Ngayon nandito ako tumatakbo, inaabot ang
Iyong kamay at ang iyong pusong makulay
Sa pagikot ng mundong ito
Ang nais ko ika'y aking mapasaya
Ang tinago kong mga luha
Sa iyo ay aking iniwan na sa mundo ko
Ngayon nandito ako na yumayakap sa iyo
Patawarin mo ako, nasaktan ko puso mo
Ngayon nandito ako, hindi nang bibitawan pa ang
Iyong kamay dito sa'ting kuwento ng buhay
Kuwento ng buhay