Walang Paalam
Mai Cantillano
Popularity · Low
Listen
YouTube
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Naririnig ko
ang yabag ng mga paa mo
Sa tuwing luluha ang langit
At lilikha ng musikang inaawit
ang mga ala-ala mo
Wari'y papalapit sa akin
para ako'y hagkan at yakapin
Alam kong ikaw 'yan
Ang mga patak ng ulan
sa bubong ng ating tahanan
Unti-unting lumalakas
Habang unti-unti rin akong
sinasakop ng pagluluksa
Pilit kong inililibing ang aking sarili
sa ilalim ng mga unan at kumot na ito
Dama na rin ng kamang himlayan
ang bigat dito
Habang hinahagkan
ang mga ala-alang hatid ng ulan
Gabi-gabi akong nakikipagtalik
sa lumbay ng pagkawala mo
Kadiliman ang pahinga
Luha ang ginhawa
Ngunit hindi pa rin sapat
upang malimutan kong wala ka na
Na hindi ko na maisilayan
ang ngiting gumigising sa akin sa umaga
Na hindi na muling darampi sa mukha ko
ang mga kamay mo
Na ang bawat pag-uwi ko
ay isang bangungot
Dahil isang gabi na naman
ang kailangan kong harapin nang wala ka
Na ang apat na sulok ng silid na ito
ay iyo na lamang magiging santwaryo
Ng mga pangarap na hindi natin natupad
at hindi na matutupad pa
Ng mga supling na hindi mo naipagluto ng agahan
Hindi mo naihatid sa eskwelahan
Ng mga lugar na nasa ating listahan
ngunit hindi na natin mapupuntahan
Ng mga bagay na ipinangako nating gagawin
nang magkasama
Ng musikang lilikhain ko pa para sa'yo
Na kailanma'y hindi mo na magagawang marinig pa, sinta
Nais kong mapaso sa lamig
na taglay ng mga patak ng ulan
Maambunan man lang sana ako
ng kahit kaunting ikaw
Tangan ang pangako
Na muling magtatagpo
ang mga kaluluwang
Pinag-isa sa harap ng dambana
Ngunit pinagtaksilan din naman ng tadhana
Mga pusong iisang musika ang pinipintig
Ngunit nagising nang akin na lamang
ang tumitibok habang sayo'y nakatitig
Ayoko ng paalam
Ayoko ng pamamaalam
Lalo't higit kung ikaw ang sasambit
Ayoko ng paalam
At masaya akong walang paalam
Dahil bago pa tuluyang bumagsak
ang talukab ng mga 'yong mga mata
Na kailanma'y hindi na mumulat pa
ang huling sinambit nito,
ay magkikita pa tayo
Hanggang sa muli, mahal