Underdawg
Popularity · Low
Listen
YouTube
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Gusto nila ko na manatili sa ilalim
Ang problema'y hindi ako pumapayag
Ang sarili koy patuloy kong hinanap
At tinupad ang mga plano ko at binabalak
Kase kase kase!
Gusto nila ko na manatili sa ilalim
Ang problemay hindi ako pumapayag
Ang sarili koy patuloy kong hinanap
At tinupad ang mga plano ko at binabalak
At ngayon ako'y nandito na makinig ka sa
Kwento ko na mala pelikula
Puro pighati ang pinadama noong simula
Halos walang makinig sa aking mga tinula
Pupunta kang inspirado at uuwi kang buta
Oo kase laging abunado ka sayong pamasahe at
Pang qouta pag dumayo
Pumapalag kahit na alanganin at dehado
Meron kang kasama kapag ka panalo at magisa ka lang
Kapag ka natalo
Ang laman ng isip kapag mag isa ko
Bakit kaya ganun nila itarato
Kapag umaawit ang silid ay blanko
Mapalad na kung meron dalawang tao
Gustong unawain ang mga likha mo
Na pinaghirapan mong makabisado
Walang kinikita kahit kapiraso
Sa mga awitin kong tinatrabaho
Nagpaka halimaw kahit na madalas pinapatayan ng ilaw
Tanaw ng mata koy malinaw
Na balang araw ako ay masisilaw
Sa kakayanang porke hindi gumawa ng ingay
Hindi na binigyang pansin
Nalimutan nila na
Ang tunay na ginto ay hindi kumakalansing
Gusto nila ko na manatili sa ilalim
Ang problemay hindi ako pumapayag
Ang sarili koy patuloy kong hinanap
At tinupad ang mga plano ko at binabalak
Kase kase kase!
Gusto nila ko na manatili sa ilalim
Ang problemay hindi ako pumapayag
Ang sarili koy patuloy kong hinanap
At tinupad ang mga plano ko at binabalak
Kaya ginagawa ko ang lahat
Para makawala't makaangat
Ang mga paa ko sa lusak at burak
Ay ulap naman sana ang masalat
Lalamunan kong babad na sa salabat
Ang puhunan ko para makapag lapag
Ng ambag sa hapag ng mga balagbag
Matatabunan ka kung hindi ka pupukol ng sagad
Maubos man sa rap mga oras na inutang
Papel at lapis ang laging kakibuan
Naging parokyano man ng kabiguan
Ang mahalaga hindi ko sinukuan
Di ko tilugan, kahit na di nila ko tinulungan
Walang binayaran walang sinuhulan
Walang pinalagpas lahat sinubukan
Lahat binuhasan ko ng bawat sandali at panahon
Hangang ako'y makawala lang sa pagiging balagong
Kahit pa na ang mga hakbang ko'y parang gapagong,
Bayong kuneho naman kapag nilatagan na ng pagkakataon
Ngayon ako ay tatalon na sa sunod na baitang
Isa sa mga tatagos mula sa ating angkan
Ako si RAM representante ng ilalim
Buhay na patunay na magagaling ay nang gagaling sa baba
Gusto nila ko na manatili sa ilalim
Ang problema'y hindi ako pumapayag
Ang sarili koy patuloy kong hinanap
At tinupad ang mga plano ko at binabalak
Kase kase kase!
Gusto nila ko na manatili sa ilalim
Ang problemay hindi ako pumapayag
Ang sarili koy patuloy kong hinanap
At tinupad ang mga plano ko at binabalak