Skip to content

Malagim

Plazma
Popularity · Low

Listen

YouTube

0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced

Lyrics

Ako'y nakatira sa may Balete, hindi nagsisindi ng ilaw At yung aking banga sa hardin meron nagtatago na halimaw Sa ganitong stilong brutalan, ako pa rin ang binabansagang kampyon Yung kinakatakutan nyong Tiyanak dati, trenta'y dos anyos na ngayon Rerekta sa balon, ang mga gagong hindi marunong magbigay pugay Ako'y magsisilbing galit na kapre sa iyong puno ng buhay Sino nga ba ang pinakamahusay? Yung imaheng nakikita ko sa salamin Nung isinilang sa Capiz tinubuan agad ng pangil na matalim At sa aking pagdating lahat ng mga mahinang uri ay mag-aalisan Napakalawak ng pag-iisip umaabot sa siyudad ng Biringan Madami na akong na-ambag, kung kultura lamang ang paguusapan Doble kayod ako lagi sa larangan, makata at mambabarang Mga linya kong binibitawan ay sumpa sa buong sangkatauhan Ginagamit ito na basehan ng mga ekspertong mangkukulam Pag-sapit ng alas dose ng gabi, tama lang na ikaw ay mapraning Isa tong kakaibang nilalang sinasalag ko ang mga anting anting Sobrang dami nang mga nagpapasikat, masyado nang nakakasilaw Kaya muli akong nagbabalik! itong mundo nyo ay magugunaw Walang ligtas ang mga supot at bulaan! lalasapin nyo ang patalaim Plazma nga pala pero mas kilala sa eksena bilang malagim Mga albularyo nilalampaso ng aking mga rimang binuo Pag-dating naman sa kama ako'y nagpapakain kay Maria Labo Sa tuwing nag-susulat, may wakwak na nagbabantay sa bintana Malakas ang dating ginagawa kong manananggal ang mga diwata Sa panahon ngayon, mga bumibira ay puro malalamya na Kayo ang nagmumulat sa madla? pwes ako ang magiging bakunawa Para to sa mga di maka unawa, simulan mo nyo na mag-dasal Mas sasaya ako pag kayo'y naging bangkay na para bang bal-bal Nakipag banggaan sa kapwa impakto at lahat sila ay nagdusa Binunot ko ang ngipin ng balawis at ginamit ko na pluma Kaya kung tingin mo na ang ganitong klaseng bagsakan ay makaluma Ako'y magpapaka enkanto bibigyan kita ng sakit na walang lunas Sanay na sa mga hudas at kailanma'y hindi naging apektado Daig ko pa si Zuma sa dami ng mga ahas na napa amo Asido ang dura ko, sapul ang mga nagpapaka intelihente Mapanganib pa rin kahit maliitin na parang itim na dwende Sobrang dami nang mga nagpapasikat, masyado nang nakakasilaw Kaya muli akong nagbabalik! itong mundo nyo ay magugunaw Walang ligtas ang mga supot at bulaan! lalasapin nyo ang patalaim Plazma nga pala pero mas kilala sa eksena bilang malagim Yung libu-libong bulag na taga suporta, sa inyo na yan Sapat na sakin ang pinapalakpakan ng angkan ng mga aswang Isa ka ba sa mga mang-mang? pwes karahasan ang iyong sasapitin Huwag kang hahawak ng mikrpono, yan ang panibagong pamahiin Mga gutom sa atensyon, nag madadaling makilala at kumita Madalas din akong gutom kaya nasanay na sa numbalikdiwa Imbis na tumutok sa pagbuo ng obra, nagpapa bida nalang kayo Wala na akong paki sa imahe kasi papalit-palit ako ng anyo Masamang maligno to, sige tangina pilitin mo pa na sumabay Puno ng mga lamang loob ang aking landas patungong tagumpay Merong ka ngang mga bara, pero kumpara sakin, madudurog ka Ikaw ay magiging abo dahil santelmo ang aking binubuga Orihinal ang mga kataga, hanggang ngayon ay hindi maduplika Pag tapos ng kanta, sasangayon kayo na "demonyo ang lumikha" Bigay todo pag tumula kaya kung babansagan mo pa ring jeje Sasaksakin kita ng anim na raan at animnapu't anim na beses Sobrang dami nang mga nagpapasikat, masyado nang nakakasilaw Kaya muli akong nagbabalik! itong mundo nyo ay magugunaw Walang ligtas ang mga supot at bulaan! lalasapin nyo ang patalaim Plazma nga pala pero mas kilala sa eksena bilang malagim