Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Bagani
Pinopela
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
(E-oh, e-oh, e-e-oh, e-ooh)
(E-oh, e-oh, e-e-oh, e-ooh)
Hubarin ang takot sa iyong damdamin
Ipamalas ang angking galing
Tumayong buong tapang
Harapin ang buhay, yakapin ang tagumpay
Tulungan ang kapwa't bigyang halaga
'Wag hatakin nang pababa
Isipin 'wag sana ang sarili lang
Pakisama't bayanihan
Subukan nating isulong at
Ligawan ang magandang bukas
Ikaw at ako magkasama tayo
Salubungin ang kinabukasan
Bagani, ating lahi
Mandirigmang Pilipino
Dakila ang lahi ko
Bayaning Pilipino sa makabagong panahon
Halina't hawakan ang ating kamay
Sabay abutin natin ang tagumpay
Patuloy lang tayo sa pagpapanday
Tiwala sa Diyos, ang sandata't gabay
Subukan nating isulong at
Ligawan ang magandang bukas
Ikaw at ako magkasama tayo
Salubungin ang kinabukasan
Bagani, ating lahi
Mandirigmang Pilipino
Dakila ang lahi ko
Bayaning Pilipino sa makabagong, oh, oh, oh
(Bagani) ating lahi
Mandirigmang Pilipino
Dakila ang lahi ko
Bayaning Pilipino sa makabagong panahon
(E-oh, e-oh, e-e-oh, e-ooh)
(E-oh, e-oh, e-e-oh, e-ooh)
(E-oh, e-oh, e-e-oh, e-ooh)
(E-oh, e-oh, e-e-oh, e-ooh)