Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Kung Wala Ka Sa Akin
Helena
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Kailan ko ba malilimutan ang iyong mga ngiti?
Taon na ang lumipas, hindi pa rin makalaya
Bumabalik pa rin sa 'yo ang alaala ko't damdamin
Ang 'yong halik, hinahanap lagi ng aking labi
Wala na ba akong magagawa? ('Wag mo sanang pilitin)
Meron pa ba sa 'yong natitira? (Kung puwede siyang lisanin)
Dadalhin ko ang iyong larawan sa aking pagpikit
Aanhin ko ang lahat kung wala ka sa akin?
Noon, tayo'y maraming pangarap, mundo ay atin
Ngayon, malayo at tila wala na tayong pag-asa
Nananabik ako sa 'yo, nangangarap na ikaw ay akin
At sa gabi, ang yakap mo'y nakabalot pa rin sa 'kin
Wala na ba akong magagawa? ('Wag mo sanang pilitin)
Meron pa ba sa 'yong natitira? (Kung puwede siyang lisanin)
Dadalhin ko ang iyong larawan sa aking pagpikit
Aanhin ko ang lahat kung wala ka sa akin?
Ikaw ba ay masaya? (Kung puwede nang baguhin 'to)
Ako'y nandito lang (bakit wala akong magawa?)
Tuyo na ang aking luha (ayoko nang isipin kung puwede siyang lisanin)