Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Ako
Florante
Popularity · Moderate
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Nang ako ay dumating dito sa bayan mo
Ang kasama ko ay kombo
Mayro'ng anim na buwan kaming nagkalampagan
Ng aming gamit sa pagtugtog
Subalit may kontrata kaming pinirmahan
At 11 buwan kaming nagkalampagan sa Japan
Ako ay bumalik dito sa Pilipinas
'Pagkat ang kombo ko ay nalansag
Ngunit hindi inabot nang ganoong katagal
May bagong kombo akong itinatag
Kay husay, oh, ang galing, marami ang humanga
Ngunit ang miyembro'y nagsiyabang at kami ay nagkasira
May dahilan ba 'kong mag-solo?
Wala akong problema sa miyembro
Kahit ano'ng oras mag-ensayo
Garantisadong walang obligado
Dito sa bayan mo, ako ay nakilala
Sa paggigitara at pagkanta
Walang dramista, organista o bahista
Ako sa pagtugtog ay nag-iisa
Kung minsan ay namamalat, ang boses ko'y pumipiyak
Kaya't pasensiya na kayo dito sa boses kong basag
May dahilan ba 'kong mag-solo?
Wala akong problema sa miyembro
Kahit anong oras mag-ensayo
Garantisadong walang obligado
Kung minsan ay namamalat, ang boses ko'y pumipiyak
Ngunit ako ay maligaya kung kayo'y pumapalakpak