Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Awit ng Bagong Taon
Leanne & Naara, Reese Lansangan, Keiko Necesario, Clara Benin, Pochoy Labog, Magnus Haven, Lola Amour, Hans Dimayuga, Davey Langit, Quest, Jireh Lim, SUD, Barbie Almalbis, EJ De Perio
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Dapat bang balikan ang mga kaganapan ng taong nagdaan?
Bangayan, banggaan, awayan, hiwalayan, turuan, duruan
Kawalan ng kabuhayan
'Di pagkakaunawaan
Hanggang saan? (Hanggang saan?)
Hanggang kailan? (Hanggang kailan?)
Ang 'di mo alam, may pag-asa na nakalaan
May ilaw na masisilayan
Kung ang paningin lang natin ang papalitan
Gaganda ang sama-sama nating kinabukasan
Bagong pananaw, bagong pagsulong
Bagong panimula, bagong pagbangon
Bagong handog sa atin ng Panginoon (Panginoon)
Bagong pagkakataon, bagong taon
Whoa-oh, whoa-oh, whoa
Whoa-oh, whoa-oh, whoa
Whoa-oh, whoa-oh, whoa
Whoa-oh, whoa-oh, whoa
Sana'y pagbibigayan at kapatawaran
Ang siyang maghari sa 'ting bayan (sa 'ting bayan)
Kung ang hanapin natin sa mundo'y kabutihan
Magandang bukas ang ating maaasahan
Na ang bawat isa sa 'tin ay may kagandahan
Kung bubuksan lang ang puso't isipan
Magpasalamat sa mga aral nating natutuhan (natutuhan)
Upang may pagbabagong tunay na masaksihan
Bagong pananaw, bagong pagsulong
Bagong panimula, bagong pagbangon
Bagong handog sa atin ng Panginoon
Bagong pagkakataon, bagong taon
Oh, mga kapatid, 'wag na po sana tayo magsisihan ('wag magsisihan)
Tulungan, damayan, alalayan, pagbibigayan (pagbibigayan)
Tunay na pagmamahalan (pagmamahalan)
Ang ating kailangan (kailangan)
Saan pa man, kailan pa man
Bagong pananaw, bagong pagsulong
Bagong panimula, bagong pagbangon
Bagong handog sa atin ng Panginoon
Bagong pagkakataon, bagong taon
Bagong pananaw, bagong pagsulong
Bagong panimula, bagong pagbangon
Bagong handog sa atin ng Panginoon
Bagong pagkakataon, bagong taon (bagong pagkakataon)
Whoa-oh, whoa-oh, whoa (bagong taon)
Whoa-oh, whoa-oh, whoa (bagong taon)
Whoa-oh, whoa-oh, whoa (bagong taon, bagong taon)
Whoa-oh, whoa-oh, whoa (bagong taon)
Bagong pagkakataon (bagong taon)